Unang Pahina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Kamag-anakan ng Microsoft Windows

Ang Microsoft Windows, kilala rin sa katawagang Windows o MS-Windows, ay isang kamag-anakan ng mga kaparaanang pampamamalakad na ginawa ng Microsoft. Bagaman sa mga unang bersyon nito ang Windows ay ginawa ng Microsoft bilang isang kapaligirang pampamamalakad at pakikihalubilong makikitang pantagagamit lamang habang halos lahat ng mga paglakad ay sa MS-DOS pa rin isinasalalay, lahat na ng mga sumunod na bersyon nito ay mga OS na. At noong simula rin, ang mga bersyon ng Windows ay ginawa alang-alang sa mga tahanan lamang, at ang mga OS namang pantanggapan ay sa mga bersyon ng Windows NT. Ngunit nagtapos ito noong inilabas ang Windows XP, na nagsanib ng dalawang hanay na pang-OS ng Microsoft, ang Microsoft Windows at ang Windows NT. Sa kasalukuyan, ang Windows ang pinakatanyag na kaparaananang pampamamalakad sa buong mundo. Pinanghahawakan sa kasalukuyan ng Microsoft ang 91.13% ng pamilihang pang-OS habang ang hinahawakan ng pinakamalaking katunggali nito sa pamilihan ay 7.82%; ito ang Mac OS ng Apple Inc.. Bagaman sa laki ng agwat na ito, mayroon pa ring ilang nagsasabing ipinapanganiban pa rin ang Windows na bumagsak. Nagsimula ang Microsoft Windows bilang isang pakikihalubilong makikitang pantagagamit at kapaligirang pampamamalakad ng mga kompyuter ng IBM at iba pang mga kahalintulad na kompyuter na tumatakbo sa ilalim ng MS-DOS. Ito ay noong Nobyembre 20, 1985, ang pagkakalabas ng Windows 1.0.

Pluto-01 Stern 03 Pluto Color TXT.jpg

Ang Pluto (designasyon ng planetang hindi pangunahin: 134340 Pluto) ay isang planetang unano sa Kuiper belt, isang sinturon ng mga bagay lampas sa Neptune. Ito ay ang unang bagay sa Kuiper belt na natuklasan. Ito rin ang pinakamalaki at ikalawang pinakamabigat na kilalang planetang unano sa Sistemang Solar at ang ikasiyam na pinakamalaking, ikasampung pinakamabigat na bagay na direktang umiinog sa Araw. May-akda ng larawan: NASA / Johns Hopkins University Applied Physics Laboratory / Southwest Research Institute

Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

Rosario desde el aire 2.jpeg
  • ... na ang pintang The Hands Resist Him ay nakilala noong 2000 bilang "nagmumultong pinta ng eBay"?
  • ... na ang Kondado ng Luzerne sa Pennsylvania, Estados Unidos ay naging kilala noong ika-19 at ika-20 mga siglo bilang isang masigasig na rehiyon na nagmimina ng antrasitang karbon o uling?
  • ... na isa ang Golpo ng Moro sa mga palaisdaan ng tuna sa Pilipinas?
  • ... na ang lungsod ng Rosario (nakalarawan) ay ang pinakamataong lungsod sa Arhentina na hindi kabisera ng anumang lalawigan?
  • ... na ang unang Estasyong daangbakal ng Tutuban ay isa na ngayong bahagi ng gusaling pamilihan ng Tutuban Centermall, habang ang Gusaling Ehekutibo ng PNR ay nagsisilbing kasalukuyang Estasyon ng Tutuban?
  • ... na ang sakit na Ebola ay isang karamdaman na dulot ng isang birus?
Estonyano
(Eesti)
Azerbaijani
(Azərbaycanca)
Galisyano
(Galego)
Ingles (payak)
(English (simple))
Noruwego
(nynorsk)
(Norsk (nynorsk))
Latin
(Latina)
Taylandes
(ไทย)
Griyego
(Ελληνικά)
Newar / Nepal Bhasa
(नेपाल भाषा)
Arumano
(Armãneashce)
Occitan
(Occittan)
Serbo-Kroato
(Srpskohrvatski / Српскохрватски)
Heorhiyano
(ქართული)
Masedonyo
(Македонски)
Tagalog
(Wikang Tagalog)
Haytian
(Krèyol ayisyen)
Piedmontese
(Piemontèis)
Telugu
(తెలుగు)